^

Probinsiya

Mag-asawa pinasok, minasaker ng kapitbahay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang may-ari ng maliit na tindahan makaraan silang pasukin ng binatang kapitbahay at paghahatawin ng tubo sa kanilang mga ulo sa Sitio Tubuhan, Barangay Buenavista West sa ­bayang ito, kama­kalawa ng umaga.

Kapwa nabasag ang mga bungo ang mga biktimang sina Bandino, 59 at Luz, 58, samantalang tinutugis na ngayon ang suspek na si alyas “Victor”, 24, tubon Padre Garcia, Batangas at kasaluku­yang residente ng Brgy. Buenavista West, Candelaria, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-5:53 ng umaga habang inihahanda ng mag-asawa ang kanilang almusal sa kanilang tahanan nang biglang pasukin ng suspek at walang sabi-sabi silang pinaghahataw ng tubo sa kanilang mga ulo.

Nang kapwa duguang bumulagta ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang salarin lulan ng tricycle.

Sa follow-up operation ng pulisya, narekober nila sa malapit sa bahay ng kapatid na babae ng suspek ang duguang damit nito.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa mag-asawa.

KAPITBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with