Lady rider dedo sa bangga ng van

MANILA, Philippines — Patay ang 42-anyos na babae nang mabangga ng van habang nagmamaneho ng motorsiklo, sa Taytay, Rizal nitong Linggo ng gabi.
Dead-on-arrival sa Taytay Emergency Hospital ang biktimang si alyas “Gemma”, residente ng Barangay San Juan, Taytay.
Pinipigil naman sa Taytay Municipal Police Station ang driver ng Toyota Hi-Ace commuter van na si alyas “Clark”, 27, residente ng Brgy. San Jose, Antipolo City.
Sa ulat, dakong alas- 7:30 ng gabi ng Linggo nang maganap ang insidente sa Manila East Road, Brgy. San Juan, Taytay.
Lumalabas na binabagtas ng kulay silver na van ang Manila East Road, sa direksyon ng Kaytikling Rotonda, nang pagsapit sa naturang lugar ay aksidente nitong masalpok ang kulay gray na Yamaha Mio Soulty na minamaneho ng biktima, na patawid naman sa Manila East Road.
Dahil sa impact, tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong kalye na nagresulta sa matinding pinsala sa katawan at ulo nito.
Naisugod pa sa pagamutan subalit patay na ito, batay sa pagdeklara ng doktor.
- Latest















