Gasolinahan hinoldap ng ‘kustomer’
CAVITE , Philippines — Natangay ng isang holdaper ang cellpone ng pump attendant at perang kinita ng isang gasolinahan matapos holdapin ng isang lalaking nagpa-gas pa bago kamakalawa sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling araw nang maganap ang panghoholdap sa IGas Gasoline Station, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.
Sa salaysay ng pump attendant na si alyas “Edwin”, dumating ang suspek sakay ng motorsiklo at nagpa-gas umano ito.
Habang ina-assist ng biktima ang nagpanggap na kustomer, agad siyang tinutukan ng maiksing baril saka kinuha ang cellpone nito at ang perang kinita ng gasolinahan bago mabilis na tumakas.
- Latest

















