Pekeng dentista tiklo sa Iloilo
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang pekeng dentista sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Iloilo, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ng Regional Anti-Cybercrime Unit-6, kinilala ang nasakoteng suspect sa alyas na Kyla ng La Paz District sa lungsod na ito.
Ayon sa pulisya ang 20-anyos na suspect ay nag-aalok ng dental services sa online sa kabila ng wala naman itong lisensya.
Bago ito ay nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni P/Brig. Gen. Bernard Yang, Chief ng PNP Anti-Cybercrime Group 6 laban sa suspect kaya agad na nakipag-deal ang kanilang undercover agent.
Agad namang ikinasa ang operasyon noong Huwebes sa Iloilo City laban sa suspect na nagresulta sa pagkakabitag nito.
Nahaharap ang suspect sa paglabag sa Section 33 ng Republiv Act No. 9484 o ang Philippine Dental Act of 2002. (
- Latest























