^

Probinsiya

Bus ng 40 Grade 1 nagliyab sa NLEX

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napalitan ng takot ang masayang field trip ng mga batang estudyante at kanilang magulang nang lumiyab ang kanilang sinasakyang tourist bus nitong Miyerkules ng alas-9:00 ng gabi sa Northbound lane ng NLEX sa bahagi ng Bgy. Patubig, Marilao, Bulacan.

Ayon sa mga magulang, pauwi na umano sila matapos ang field trip ng kanilang mga anak sa isang amusement park sa Pasay City nang mapansin nila ang makapal na usok sa loob ng bus.

Nakaramdam na sila ng init hanggang sa may sumabog kaya agad nilang binitbit ang kanilang mga anak palabas ng bus at ligtas na nakalabas ang higit 40 sakay. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa sanhi nang pagliyab ng nasabing bus.

NORTHBOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with