^

Probinsiya

Cebu isinailalim sa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cebu isinailalim sa state of calamity
Hindi na madaanan ng mga sasakyan ang isang tulay sa Poblacion, Daanbantayan, Cebu na napinsala ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City nitong Martes. Inatasan ang DPWH at mga provincial engineers na agad inspeksyunin ang tulay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at motorista na patuloy na dumaraan doon sa kabila ng malalaking crack nito.
Courtesy: Cebu People’s Action Center/MR Maricel Descartin via Gov. Pam Baricuatro/FB

Sa pagtama ng 6.9 magnitude na lindol

MANILA, Philippines — Agad isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Cebu nitong Miyerkules ng umaga kasunod ng matinding pinsalang tinamo sa 6.9 magnitude na lindol na nasa Bogo City ang epicenter nitong Martes ng gabi.

Habang sinusulat ang ulat na ito, nasa 69 katao na ang naitalang nasawi at inaasahang tataas pa ang bilang habang nagkukumahog at paspasan ang isinagawang search and rescue mission ng tropa ng pamahalaan para sa posible pang mga survivors na natabunan sa mga gumuhong gusali at kabahayan.

“The provincial go­vernment, through Governor Pamela Baricuatro’s Executive Order No. 57 and a resolution passed by the Provincial Board this morning, has placed the Province of Cebu under a state of calamity,” pahayag ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu sa kanilang opisyal na Facebook account.

Ayon kay Cebu Gover­nor Pamela Bari­cuatro, punuan ang mga ospital doon dahil sa dami ng mga isinusugod na mga duguang pasyente.

“Because of the high volume of patients with serious injuries, the medical staff tended to some of them outside the hospital,” post ni Baricuatro sa Facebook.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa inis­yal na 22 gusali ang napinsala sa matinding­ pagtama ng lindol na ang pinakagrabeng naapektuhan ay ang Bogo City.

Ang Bogo City ay unang nagdeklara ng state of calamity dahil sa inabot na grabeng pinsala sa pagguho ng mga gusali dito, mga kabahayan at iba pang imprastraktura dahil sa lindol.

Kabilang sa mga nasawi ang tatlong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos silang mabagsakan ng debris sa pagguho ng San Remigio Sports Complex.

BOGO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with