^

Probinsiya

10-anyos ginahasa, pinatay ng ‘adik’ sa Negros

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
10-anyos ginahasa, pinatay ng ‘adik’ sa Negros
Map of Negros Oriental with Guihulngan highlighted
Wikipedia photo

MANILA, Philippines — Ginahasa muna bago pinaslang ng isang lalaki na hinihinalang lango sa droga ang isang 10-anyos na batang babae sa Brgy. Linantuyan, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Martes.

Sa report ni P/Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, director ng Police Regional Office ng Negros Island, biktima na itinago sa pangalang Princess ay natagpuang hubo’t hubad na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa isang tubuhan sa nasabing lugar.

Kinondena naman ng opisyal ang karumal-dumal na sinapit ng bata na sinabing walang puwang ang mga bayolenteng insidente sa Negros Island at tiniyak na bibigyang hustisya ang sinapit nito.

Pinaniniwalaang ginahasa ang biktima dahil sugatan ang ari ng bata.

Sa teorya ng mga awtoridad, pinaslang ang bata upang hindi na ito makapagsalita pa dahilan kilala nito ang salarin.

Arestado naman sa follow-up operations ang isang 33-anyos na magsasaka na hinihinalang nasa likod ng krimen matapos na isang testigo ang magturo rito na siyang kasama ng bata ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Narekober mula sa suspect ang isang patalim na hinihinalang ginamit nito sa pagpatay sa biktima at iba pang ebidensya.

NEGROS ORIENTAL

GUIHULNGAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with