^

Probinsiya

‘Mobile library’ naglibot sa Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon
‘Mobile library’ naglibot sa Cotabato
Ang mga batang mag-aaral ng Don Tomas Buenaflor Elementary School at Langkong Elementary School sa Mlang, Cotabato na nagsagawa ng learning activities matapos ang pag-iikot ng mobile library o library-on-wheels sa Central Mindanao.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nagalak ang mga guro sa tatlong paaralan sa probinsya ng Cotabato sa pagtungo sa mga school campuses nila ng “Library-on-Wheels” ng kanilang provincial government na kauna-unahan sa Central Minda­nao, kaugnay ng literacy development program ng tanggapan ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza.

Sa pahayag ng mga guro ng Don Tomas Buenaflor Elementary School at Langkong Elementary School sa Mlang, natuwa ang mga batang mag-aaral na lumahok sa mga learning activities katulad ng reading time, puzzle-making, poster-drawing at pagpapagamit sa kanila ng tablets at “talking pens,” habang nasa kanilang mga campus ang mobile library ng Cotabato provincial government. 

Ang mobile library, kasama ang crew nito, ay nagtungo sa dalawang paraalan nitong nakalipas na September 17 hanggang Sept. 18, ayon kina school principals Bertricelita Prado at Meriam Kanok. 

Pinasalamatan ng ­dalawang school principal ang kanilang ­gobernadora sa kanyang mga programang naglalayong mapalawig ang libreng edukas­yon para sa mga kabataan sa probinsya.  

Nitong Martes, September 16, nasa Lampagang Elementary School sa bayan ng Tulunan ang mobile library ng ­Cotabato provincial government.

Makikita sa mga posts sa Facebook ng mga guro at mga kabataan ang kanilang pagkagalak sa presensya ng ­mobile ­library sa kanilang ­campus nitong Martes.

Pinagamit din ng mga tablets at talking pens ang mga mag-aaral sa naturang paaralan at pinabasa rin sila ng mga reading ­materials na dala ng crew ng ­mobile library na pinangu­ngunahan ni Librarian ­Leony Vera Gaburo kama­kailan.

LIBRARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with