Babaeng may-ari ng gasolinahan, itinumba!

COTABATO CITY, Philippines — Isang babaeng negosyante na nagmula sa malaking angkan at may-ari ng isang gasoline station ang agad namatay sa mga tama ng bala nang pagbabarilin sa labas ng kanyang establisimyento ng dalawang armadong lalaki sa gilid ng highway sa Barangay Kamasi,
Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng hapon.
Sa mga inisyal na ulat nitong Linggo ng Ampatuan Municipal Police Station at Maguindanao del Sur Provincial Police Office, naglilibot ang negosyanteng si Sharra Jou
Ampatuan sa Fajad Gasoline Station na kanyang pag-aari nang lapitan ng dalawang lalaki at halinhinang pinagbabaril ng mga pistol.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo at iniwang wala nang buhay si Ampatuan na miyembro ng malaking angkan ng Ampatuan sa Maguindanao del Sur.
Inaalam pa ng mga local officials sa Ampatuan at ng mga imbestigador ng kanilang municipal police force kung sino ang dalawang lalaking pumatay sa biktima at kung ano ang kanilang motibo sa krimen.
- Latest
















