^

Probinsiya

10 na patay kay ‘Opong’ sa Bicol region

Jorge Hallare, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
10 na patay kay ‘Opong’ sa Bicol region
This handout photo taken September 26, 2025 and received through the courtesy of Facebook page of Engineer Jerome Martinez, shows a resident walking past a building with ripped roof destroyed at the height of Severe Tropical Storm (STS) Bualoi, in Masbate City, Bicol region.
Engineer Jerome Martinez via AFP

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Umakyat na sa 9 katao ang nasawi sa lalawigang ito at isa ang nasawi sa Catanduanes dahil sa pananalasa ng bagyong Opong.

Sa inilabas na ulat ni Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense-Bicol, bukod sa mga nasawi, dalawang katao ang naiulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyo. Isa sa bayan ng Uson, Masbate; at isang mangi­ngisda na pumalaot sa bayan ng Baras, Catan­duanes at apat katao ang nasugatan.

Sa inisyal na danyos sa imprastruktura mula sa Masbate uma­bot na sa halagang P31,496,443; habang nasa P450,000 sa kalawigan ng Sorsogon.

Ang Masbate City airport ay nagtamo ng tinatayang P10-15 mil­yong pinsala sa nasabing insidente.

Sinabi naman ni OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafae­lito Alejandro IV, nasa 362,931 pamilya o halos P1.4-milyong katao ang naapektuhan sa buong lalawigan.

“The hardest-hit area so far is Masbate, particularly Masbate City and the municipalities in Ticao Island and Burias Island. The extent of the damage has been severe,” ani Alejandro.

Naitala sa 13,393 pamilya o kabuuang 45,000 katao ang kinakanlong sa 828 evacua­tion centers habang 16,154 pamilya naman o katumbas na 57,000 indibiduwal ang pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

OPONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with