^

Probinsiya

Lalaking hinahanting, todas sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaking hinahanting, todas sa tandem
Sa ulat ng Teresa Municipal Police station, dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Allan”, residente ng Maximiano Compound, Barangay Dalig. Teresa, Rizal.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 55-anyos na lalaki nang barilin ng isa sa dalawang lalaking huma-hunting sa kanya sa Teresa, Rizal, nitong Sabado.

Sa ulat ng Teresa Municipal Police station, dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Allan”, residente ng Maximiano Compound, Barangay Dalig. Teresa, Rizal.

Tinutugis naman ang mga suspek na sina alyas “Roderick”, nakasuot ng green t-shirt at green military shorts na dark green; at isang kasama na nakasuot ng orange t-shirt at itim na jacket.

Dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Maximiano Compound.

Nauna rito, bandang alas-5:45 ng hapon nang dumating ang mga suspek sa naturang compound at ipinagtanong kung nasaan ang biktima.

Makalipas ang 15 minuto, dumating na ang biktima sa compound at sinalubong na agad siya ng mga putok mula sa baril ni alyas “Roderick”.

Nang bumulagta ang biktima, agad tumakas ang dalawang suspek sakay ng Toyota vios na kulay puti na may plakang TOP01.

TERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with