^

Probinsiya

Pabuya itinaas sa P1-M vs killer ng abogado sa Palawan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nag-alok ng karagdagang cash bounty ang isang hindi kilalang indibidwal na nagkakahalaga ng P220,000, na nagdala ng kabuuang P1 mil­yon mula sa P780,000 para sa makapatuturo o magbibigay ng impormasyon para matukoy at madakip ang mga nasa likod ng pagpatay kay Atty. Joshua Abrina sa Palawan.

Tiniyak ng pulisya na ang pagkakakilanlan ng sinumang magbibigay ng impormasyon ay mananatiling mahigpit na confidential upang maprotektahan ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Hinikayat ni Brig. Gen. Roel Rodolfo, Mimaropa, Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa) regional director, ang publiko at sinumang indibiduwal na maki­pagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon upang makamit ang hustisya para sa napatay na abogado at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa Puerto Princesa City.

“Hinihintay pa natin ang resulta ng imbestigasyon, pero inutusan ako na tingnan lahat ng posibleng motibo, so, DRDO, R7 and R2 (de­puty regional director for operation, Regional Investigation Division and Regional Intelligence Unit) at ang CIDG ay nasa Palawan,” ani Rodolfo sa text message.

Tatlong matataas na opisyal ang inatasang mangasiwa sa pagsisiyasat sa nasabing krimen ng binuong “STIG “Abrina.

Nilinaw ni Major ­Bryan Rayoso, tagapagsalita ng “SITG Abrina” na ang cash money reward ay wala sa kamay ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) at ang cash money ay nasa mga indibidwal at organisasyong nangako ng reward na pera.

Sinabi ni Rayoso na ang publiko at sinumang indibiduwal ay maaaring tumawag o makipag-ugnayan kay Col. Cristine Tabdi, direktor ng Lungsod ng Puerto Princesa, nang direkta sa 0098-967-4736 para sa anumang impormasyon.

Samantala, inilibing na si Abrina sa Puerto Princesa City Memorial park noong Huwebes ng umaga habang si Celine Abrina, asawa ng napatay na abogado, ay humingi ng tulong sa kanyang mga nasasakupan at mga kapitbahay na lumapit para makipagtulungan sa imbestigasyon.

ROEL RODOLFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with