Higit 20 estudyante sugatan sa trak na tumagilid
MANILA, Philippines — Mahigit 20 estudyante ang sugatan matapos tumagilid ang trak nang mawalan umano ng preno sa Barangay Milaviga, Caramoran, Catanduanes nitong Linggo ng umaga.
Ayon kay PCapt. Jumar Delavin, hepe ng Caramoran Police, sa ulat ni Rey Boton, galing ang trak sa Caramoran at patungong Virac upang ihatid ang mga estudyante para sa pagbabalik ng klase sa Lunes.
Pagdating sa Barangay Milaviga, bigla umanong nawalan ng preno ang sasakyan at masuwerte aniyang hindi nahulog sa bangin ang trak at tumagilid lamang.
Agad dinala sa Caramoran Municipal Hospital ang mga estudyante kasama ang sugatan ding drayber at pahinante ng trak.
- Latest
















