^

Probinsiya

Naaksidenteng rider pinatay na, ninakawan pa ng adik!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Naaksidenteng rider pinatay na, ninakawan pa ng adik!
Naghukay ang mga pulis sa isang liblib na lugar upang mahanap ang nakabaon na rider na pinagnakawan at pinatay pa ng isang adik at mga kasamahan matapos na sumilong lang sa waiting shed ang biktima nang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
John Unson

Bangkay binalot sa banig, ibinaon sa hukay

COTABATO CITY , Philippines —  Arestado ang isang sinasabing lalaking adik sa droga at dalawang kasamahan nito habang dalawa pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa pagpatay sa isang naaksidenteng motorcycle na sa halip na tulungan ay pinatay at tinangay ang kanyang pera saka inilibing sa mababaw na hukay sa Barangay Bitu sa Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao del Norte

Naganap ang pagpatay sa 35-anyos na motoristang si Daniel Navarro Datulayta sa isang lugar sa nasabing barangay noong Set­yembre 15, 2025.

Matagumpay naming naaresto nitong Sabado ng hapon (Sept 20) sa nasabi ring lugar ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, sa pangunguna ni Lt. Col. Esmael Madin, ang 33-anyos na si Palao Bangon Mlok, na siyang itinuro ng kanyang mga kamag-anak at kapitbahay na pumatay kay Datulayta gamit ang itak bago niya kinulimbat ang pera at mahahalagang gamit nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na noon si Datulayta, isang construction worker, sa kanyang pamilya sa Barangay Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat, mula Cotabato City nang hindi inaasahang mag-crash sa highway habang lulan ng motorsiklo.

Matapos maaksidente at makabangon sa pagkakabangga ng kanyang motorsiklo, sumilong si Datulayta sa isang roadside waiting shed, at doon nadatnan nitong umiinom ng alak at humihithit umano ng shabu ang suspek na si Mlok at mga kasamahang lalaki, ayon sa mga traditional Moro community leaders sa Barangay Bitu.

Imbes na tulungan ang biktima, dito na siya kinatay ni Mlok gamit ang isang itak.

Ayon sa kanyang mga kapitbahay, agad na pinagtataga ni Mlok at kinuha ang pera sa pitaka ng biktima at iba pang mga gamit bago niya ito binalot ng ba­nig at inilibing sa isang mababaw na hukay sa isang lugar sa Barangay Bitu.

Nahukay rin nitong Sabado ng mga pulis, sa pangunguna ni Madin at mga barangay officials ang bangkay ni Datulayta na kanilang agad na nai-turnover sa kanyang pamilya.

Isang mag-ama na kasama ni Mlok, na pansamantalang hindi muna kinilala dahil wala namang direktang kinalaman sa pagpatay kay Datulayta, ang nasa kustodiya rin ng pulisya at parehong nangakong magbibigay linaw sa kung paano pinatay ang biktima habang nasa impluwensya ng alak at shabu.

Matagal nang target ng drug buy-bust operation ng pulisya si Mlok, ngunit laging nalulusutan ang mga pulis.

DATULAYTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with