^

Probinsiya

Baguio, Bulacan nagdaos ng rally vs flood control projects scam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdaos din ng kilos protesta kahapon ang libong katao sa Baguio City at Bulacan bilang pagkondena sa matinding korapsyon sa trilyong flood control projects scam.

Sa Baguio City nasa 5,000 katao ang nakilahok sa “Baguio-Benguet Laban sa Korapsyon March”.

Sa isang radio interview, sinabi ni College Editors Guild of the Philippines Baguio-Benguet Chairperson Dexter Bacud, na nasa 60 civil so­ciety groups, organisas­yon at cultural groups mula sa Benguet ang nakiisa sa paglahok sa protesta laban sa maanomalyang flood control projects na mula sa public funds.

Bandang alas-9 ng umaga nang magsimula ang martsa sa Baguio Convention Center na umikot sa bahagi ng Harrison Road hanggang Malcolm Square kung saan idinaos ang programa ng pagtuligsa sa korapsyon. Nag-umpisa na ang kilos-protesta laban sa katiwalian sa harapan ng Malolos Cathedral ngayong Linggo, Setyembre 21, 2025.

Nakikiisa ang mga raliyista kay Baguio City Mayor Benjamin Maga­long, tumatayong na special adviser ng Indepen­dent Commission on Infrastructure na imbestigahan ang lahat ng sangkot sa korapsyon at panagutin sila sa batas.

Samantala, nagsipag-rally rin ang mga residente sa Malolos City, Bulacan na isinisigaw na mapanagot ang mga buwayang kurakot na sangkot sa flood control scam.

CONTROL

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with