^

Probinsiya

Lolo, 2 bisita timbog sa droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MERCEDES, Camarines Norte, Philippines — Kalaboso ang isang 69-anyos na lolo na maintainer ng drug den kasama ang dalawang bisita nito matapos na maaresto sa ginawang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang target na suspek na kinilalang si “Lolo Caloy”, residente ng naturang barangay at ang dalawa nitong bisita na sina alyas “Ron”, 19-anyos at “Noel”, 31-anyos.

Sa ulat ni Carlo Fernandez lll, tagapagsalita ng PDEA-Regional Office dakong alas-3 ng hapon, katuwang ang mga tauhan ng Mercedes Police at Police Drug Enforcement Group-5 ay inilatag ng PDEA-Camarines Norte Provincial Office ang buy-bust operation laban sa matanda.

Hindi na nakatakas pa pati na ang mga bisita ng lolo sa kanyang drug den makaraang palibutan at arestuhin ng mga operatiba nang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nabawi sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu na tumitimbang ng 13-gramo at nagkakahalaga ng P81,600; aluminum foil, lighters, improvised tooters, at ang ginamit na marked money sa operasyon.

KALABOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with