Illegal mining sites sa Davao De Oro, nalansag
MANILA, Philippines — Naglunsad ng sabay-sabay na operasyon laban sa mga iligal na pagmimina ang isinagawa ng mga awtoridad sa Purok Lanipga at Purok Mandaupan, Barangay Bahi, Marasugan, Davao de Oro.
Ang operasyon ay pagtutulungan ng NBI- Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region XI, na may suporta mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Dahil sa mga ulat ng iligal na pagmimina, inimbestigahan ang mga lugar na itinurong mga site at natuklasan ang mga inabandonang operasyon ng pagmimina na nilagyan ng mga bunker at tunnel, na nagpapahiwatig ng kamakailang aktibidad.
Nasamsam ang iba’t ibang kagamitan sa pagmimina kasama ang maraming sako ng tanso at mineral ores.
- Latest




















