Lalaki sinalvage sa highway
CAVITE, Philippines — Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang lalaking nakahandusay sa gilid ng highway sa Pala-Pala, Brgy. San Agustin 1, Dasmariñas City kamakalawa.
Sa ulat ng pulisya, nakilala lang ang biktima sa pangalang alyas “Waray”, nasa hustong gulang.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, alas-6 ng umaga nang madiskubre ng isang residente sa lugar ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi sa gilid ng kalsada. Duguan ito at may mga sugat at tama ng ….sa katawan.
Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa nasabing pagpatay. Malaki ang hinala nila na pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang sa lugar kung saan siya natagpuan.
- Latest

















