^

Probinsiya

La Union solon inireklamo sa Ombudsman

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
La Union solon inireklamo sa Ombudsman
Ang reklamo ay isinampa ng grupo ng mga kabataan na Progressive Youth of La Union, na nagsabing nilabag umano ni Garcia ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713).
STAR/ File

Sa maanomalyang infra projects

BAGUIO CITY , Philippines — Nahaharap sa reklamo ng katiwalian si La Union second district congressman Dante S. Garcia sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng mga umano’y iregularidad sa ilang proyektong pang-imprastraktura kabilang na ang mga flood control system sa iba’t ibang bayan ng distrito.

Ang reklamo ay isinampa ng grupo ng mga kabataan na Progressive Youth of La Union, na nagsabing nilabag umano ni Garcia ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713).

Inakusahan si Garcia ng pagkokontrol sa mga kontrata ng mga proyektong pang-imprastruktura at paggamit ng mga dummy contractor, na naging sanhi umano ng mga substandard o overpriced na proyekto.

Isa sa mga pangunahing isyu ay ang P1.6-bilyong flood control program sa Bauang at Naguilian na umano’y mahinang pagkakagawa. Pinuna rin ang katulad na mga proyekto sa mga bayan ng Agoo, Aringay, Bagulin, Caba, Santo Tomas, at Tubao.

Hinihikayat ng grupo ang Ombudsman na suspendihin muna si Garcia habang isinasagawa ang imbestigasyon, at magsagawa ng mas malalim na pagsisiyasat sa kanyang posibleng pananagutang kriminal at administratibo.

Wala pang inilalabas na detalyadong pahayag si Garcia hinggil sa mga akusasyon.

RA 6713

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with