Collector ng e-tap, naholdap ng P.5 milyon
MANILA, Philippines — Nasa P500,000 ang natangay ng notoryus ng holdaper mula sa isang e-tap collector habang nakaupo sa kaniyang motor at nagpapahinga, kamakalawa ng umaga sa Brgy. Sanja Mayor, Tanza, Cavite.
Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng rogue gallery ng pulisya sa alyas na “Erwin”, nasa hustong gulang at may mga record na ng mga pnghoholdap sa mga collectors sa buong Calabarzon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:30 ng umaga kasalukuyang nakaupo ang biktimang si alyas “Noe”, 40-anyos sa kanyang motor at nagpapahinga nang lapitan ng suspek at akbayan ito.
Agad itong tinutukan ng baril sa tagiliran at nagdeklara ng hold up at pagkatapos ay tinangay ang bag kung saan nakalagay ang kalahating milyong piso at ang motor na gamit ng biktima bago mabilis na tumakas.
Sa follow-up, narekober ang motor sa Nahara Road na may 2 kilometro ang layo kung saan hinoldap ang biktima.
- Latest





















