^

Probinsiya

Magkaibigan nalambat sa droga sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magkaibigan nalambat sa droga sa Quezon
Stock image of a capsule medicine.
Pixabay

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang isang lalaki at babaeng magkaibigan na kapwa kabilang sa mga talaan ng High Value at Street Level individual makaraang malambat sa anti drug operation sa Purok Daisy, Barangay Batangan General Nakar, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang mga nadakip na sina Noe, 40, binata ng Barangay Comon Infanta, Quezon at Kim, 30, dalaga ng Purok Daisy Barangay Batangan, General Nakar, Quezon .

Ayon kay Col. Albacea, isinagawa ng mga operatiba ng General Nakar Drug Enforcement Team (DET) sa pangu­nguna ni PMaj. Jameson E. Aguilar ang buy-bust operation sa mga suspek dakong alas-12:47 ng madaling araw.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan sila ng katransaksyong police operative na umaktong poseur/ buyer at nakumpiskahan sila ng isang malaking heat sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 65 grams at nagkakahalaga ng P442,000.00, isang P500 marked money at drug paraphernalias.

Nakapiit na sa municipal jail ang mga suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous to Drugs Act of 2002.

QUEZON

NAKAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with