^

Probinsiya

Sadistang mister na-backhoe ni misis, utas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sadistang mister na-backhoe ni misis, utas!
Map of Bukidnon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umabot na sa sukdulan ang pagtitimpi ng isang misis matapos nitong i-backhoe ang sadista at umbagero nitong mister matapos siyang atakihin habang nag-o-operate ang ginang ng backhoe sa isang dike construction site sa Brgy. Laligan, Valencia City, Bukidnon noong Sabado.

Sa report ng Valencia City Police, dakong alas-4 ng hapon habang abala ang ginang sa pagtratrabaho nang  dumating ang mister na kanyang hiniwalayan sa site at pinipilit siyang hilahin pababa sa backhoe upang muling bugbugin.

Sa gitna naman ng pisikal na sakitan ng dating mag-asawa ay nagawang umakyat ng nasabing misis sa backhoe at iniharang ang bucket nito upang hindi siya mahila pababa ng kaniyang dating mister.

Gayunman, aksidenteng napindot ng  nasabing misis ang switch ng bucket bunsod upang tamaan ng ngi­ping bakal ng bucket ang kaniyang mister na halos nahati ang katawan sa insidente.

Ang nasabing mister ay sumakay pa umano sa bucket na aksidente namang naibaba ng biktima at nadurog ang katawan nito sa insidente.

Sa presinto, sinabi ng ginang na hindi niya sinasadyang ma-backhoe ang dating mister at ginamit lamang umano niya ang bucket upang ipagtanggol ang kaniyang sarili para hara­ngan ito upang hindi siya mabugbog nitong muli.

Nabatid sa ginang na ito na ang ikalawang insidente na sinugod siya ng dating mister sa construction site kung saan may dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan ay sinira nito ang machine shield bunsod upang magbayad siya ng P9,000 pinsala.

POLICE

VALENCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with