49-anyos nagtanan ng 15-anyos, arestado!

BASUD, Camarines Norte, Philippines — Kalaboso at nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang 49-anyos na lalaki matapos maaresto nang ireklamo siya sa pagtanan o pagtangay sa 15-anyos na dalagita sa bayan ng Basud, Camarines Norte, kamakalawa ng hapon.
Ang suspek na si Bentong, residente ng San Lorenzo Ruiz ay nahaharap sa kasong pagla-bag sa republic act 271 ng Revised Penal Pode o An Act Inducing a Minor to Abandon Their Home at Republic Act 7610 o Anti-child Abuse Law.
Nasa pangangalaga na ng kanyang pamilya at tinutulungan sa pamamagitan ng kaukulang intervention ng municipal social worker and development at ng women and children desk division ng Basud Municipal Police Station ang biktima na si Danica, residente ng bayan ng Basud.
Sa ulat, hapon noong nakaraang Huwebes ay dumulog ang lolo ng dalagita sa municipal social worker at humingi ng tulong dahil sa tinangay umano ng suspek ang kanyang apong 15-anyos.
Mabilis silang nagpunta sa Basud Police Station at lumabas sa imbistigasyon na nagpunta ang dalawa sa Lucena City sa Quezon Province.
Sa tulong ng Lucena City Police, matagumpay na naabutan at naaresto ng mga kasapi ng Basud Municipal Police Station ang suspek at nabawi ang tinangay na dalagita sa grand terminal ng naturang lungsod.
- Latest



















