PWD natagpuang patay sa bahay

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na dalaga na person with disabalities ang natagpuang patay sa kama sa loob ng kanyang bahay sa Plaza Miranda, Brgy. San Roque, Naic, Cavite, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si alyas “Armie”, na duguan ang mukha at nakababa ang kasuotang pang ibaba nang ito ay datnan ng mga otoridad.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:09 ng umaga nang madiskubre ang wala ng buhay na biktima na nakahiga sa kama ng mga ito sa loob ng kanilang kwarto.
Sa salaysay ng kapatid ng biktima, huli nitong nakitang buhay ang biktima nang samahan pa siya nito palabas ng bahay upang mamalengke na agad din naman umanong umuwi.
Kasalukuyan ng nagsasagawa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at sa ikakikilanlan ng suspek.
Isasailalim sa medical examination ang biktima upang malaman kung ginahasa ito bago patayin.
- Latest


























