^

Probinsiya

Kelot, sinaksak sa dibdib ng bebot na katabi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos siyang biglang saksakin ng isang babaeng nakiupo sa kaniyang tabi sa isang tindahan sa Barangay San Isidro, Antipolo City.

Hindi muna pinangalanan ang biktima na dinala sa ospital habang ang babaeng suspek, 30-anyos ay mabilis na naaresto ng mga otoridad.

Batay sa kuha ng CCTV ay umupo ang biktima sa harap ng isang tindahan pasado tanghali noong Martes at ilang saglit ay lumapit ang isang babaeng may dalang bag at umupo sa kaniyang tabi.

Hindi na nakunan sa CCTV, pero kumuha na pala ng kutsilyo sa kaniyang bag ang babae at biglang sinaksak ang lalaki.

Dahil dito, napatayo ang lalaki habang tumakbo naman ang babaeng nanaksak.

Nakahingi ng tulong ang biktima mula sa isang babaeng lumabas sa gate habang hinabol ng mga residente ang suspek.

Dinakip ng mga tauhan ng Barangay San Isidro ang babae at nakuha ang ginamit niyang panaksak na aabot sa 12 pulgada ang haba.

Batay sa records ng barangay, dati nang na­dawit sa ilang insidente ng pananaksak sa Antipolo City ang suspek.

“Bale nakatatlong insidenteng pananaksak na po siya, bago po itong bago. ‘Yung una po is ‘yung lalaki po na sinaksak niya is, nag 50-50 po ‘yun. Tapos after one week, namatay din po ‘yung biktima. Tapos po ‘yung pangalawa, siya rin po ‘yung nananaksak po sa may Antipolo Simbahan. Tapos ‘yung pangatlo po, is police station po ‘yun na may sinaksak din po siyang pulis. Records din na may mental health disorder po siya,” sabi ni Kristyle Anne Cruz, tanod ng Barangay San Isidro.

Nakakulong sa custodial facility ng Antipolo Police ang suspek, na sasampahan ng reklamong frustrated homicide.

ANTIPOLO CITY

SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with