^

Probinsiya

P3.7 milyong shabu samsam sa South Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines  - Nakumpiska ng mga pulis ang P3.7 million na halaga ng shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Silway 8 sa Polomolok, South Cotabato nitong mada­ling araw ng Huwebes.

Nasa kustodiya na ng Police Regional Office-12 ang 48-anyos na suspect na si Alvin Lilam Manansala, na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes ng South Cotabato Provincial Police Office at Police Regional Office-12, hindi na pumalag si Manansala nang arestuhin ng mga operatiba ng PRO-12 at ng Police Drug Enforcement Unit-Special Operations Unit 12 na kanyang nabentahan ng 550 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.7 million, sa Purok Maligaya sa Barangay Silway 8, Polomolok.

Si Manansala ay residente ng Guevarra Subdivision sa Brgy. San Isidro, General Santos City na hindi kalayuan sa Polomolok.

Ayon sa PRO-12, may mga kasabwat sa kanyang illegal na gawain si Manansala sa mga bayan ng Polomolok, sa Tupi at sa Banga, South Cotabato.

Ayon sa mga PRO-12 officials, naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto kay Manansala sa tulong ng mga local executives sa Polomolok at mga kasapi ng kanilang multi-sector Municipal Peace and Order Council.

REGIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with