^

Probinsiya

66-anyos mangingisda natagpuang patay sa lawa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 66-anyos na mangingisda ang natagpuang lumulutang at walang buhay sa Kasarinlan Ecopark, sa Baras, Rizal, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si alyas “Carlito”, ng Barangay Santiago, Baras, Rizal.

Sa ulat ng Baras Municipal Police Station, alas-8:00 ng umaga nang madiskubre ng isang kapwa mangingisda na nakita niya ang biktima na lumulutang at hindi na gumagalaw kaya ipinaalam sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagkataong nagsasagawa ng training sa lugar.

Ayon sa isa pang witness, alas-5:00 ng umaga nang makausap niya pa ang biktima sa entrance ng ecopark at pinag-usapan nila ang level ng tubig sa Laguna De Bay.
Batay pa sa ulat, ang kaanak ng biktima ay hindi na interesado na paimbestigahan pa ang pangyayari dahil naniniwala sila na walang foul play rito dahil may mild stroke ang biktima na posibleng dahilan ng pagkalunod at kamatayan nito.

CARLITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with