^

Probinsiya

2 ‘assassin’ bulagta sa shootout sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 ‘assassin’ bulagta sa shootout sa Quezon
Ayon kay Quezon Police Provincial Office ( QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, target sana ng buy-bust operation ang dalawang suspek na lulan ng isang AUV.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

CAMP NAKAR, LUCENA CITY , Philippines —  Dalawang miyembro ng gun-for-hire o assassin ang patay makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Barangay Sumilang, Calauag, Quezon, kama­kalawa ng hapon.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office ( QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, target sana ng buy-bust operation ang dalawang suspek na lulan ng isang AUV.

Sa halip na huminto, dakong alas-3:00 ng hapon sa checkpoint, nagpaputok ang mga suspek sa direksiyon ng mga pulis at mabilis na pinasibad ang kanilang sasakyan.

Nagkaroon ng habulan at palitan ng putok hanggang sa mapatay ang dalawa. Isa sa mga suspek ang napatay sa loob ng sasakyan, habang ang kasama ay tumimbuwang sa gilid ng highway na may tama ng bala. Wala namang nasaktan sa mga pulis.

Dagdag pa ni Col. Albacea, sangkot ang mga suspek sa iba’t ibang krimen at pagpatay sa Candelaria, Quezon.

Sa ngayon,  patuloy ang imbestigasyon ng SOCO sa crime scene at inaalam ang pagkaka­kilanlan ng mga napaslang na suspek.

QPPO

SOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with