^

Probinsiya

Grade 9 student nalunod sa Wawa River

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang Grade 9 student nang mauwi sa trahedya ang masayang swimming, kasama ang mga kaibigan sa Wawa River, Rodriguez, Rizal noong Miyerkules.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station,nalunod ang biktimang si John Be­nedict Turqueza, 15-anyos, residente ng Payatas, Quezon City.

 Sa ulat, ala-1:34 ng hapon ng Agosto 20 nang maganap ang insidente sa Wawa River, San Rafael, Rodriguez.

Kasama ng biktima ang mga kaibigan nang magtungo sa Wawa at umupa sila ng cottage.

May nagpayo pa umano sa kanila na huwag pupunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Nang lumalangoy na ang biktima ay tinangay umano ng malakas na agos at napunta sa mas malalim na bahagi at hindi na lumutang.

Mabilis narespondehan ang biktima at dinala pa sa Casimiro Ynares Sr. Medical Hospital, sa Brgy. Burgos, subalit idineklarang dead-on-arrival (DOA).

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with