^

Probinsiya

2 bangkay ng lalaki lumutang sa ilog

Bryan Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 bangkay ng lalaki lumutang sa ilog
Map of Bulacan.
Wikimedia

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang lalaki ang natagpuang kapwa patay na nakalutang sa magkahiwalay na ilog sa lalawigan ng Bulacan kahapon.

Unang natagpuang patay ang isang 45- anyos na nakilalang si Michael Temporosa ng Pandi Heights, Brgy. Cacarong Matanda, Pandi, Bulacan.

Sinasabing si Temporosa ay may sakit na epileptic at isang matadero sa bayan ng Balagtas.

Ayon sa paunang imbestigasyon, huling nakita ang biktima na umiihi sa gilid ng tulay ng Panginay sa Brgy. Wawa, Balagtas.

Sinasabing nakainom ng alak ang biktima at aksidenteng nadulas sa nasabing tulay dakong alas-11:50 ng gabi at narekober ang patay na nitong katawan dakong ala-1:20 ng madaling araw.

Samantala, umalsa rin sa ilog bandang alas-3:00 ng hapon sa pagitan ng Visal Sto Cristo at Brgy. Pulong Gubat, San Ildefonso ang 72-anyos na si Mang Badong, mananahi at residente ng Brgy. San Juan, San Ildefonso.

Sa Facebook post na nag-viral at mga komento ng mga netizen tungkol dito, nawala at huling nakita ang biktima na nais magdya-jogging sa paligid ng Telepatio, Pulong Tamo, Pulong gubat, San Ildefonso.

WAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with