Tiyo tepok sa suntok ng pamangkin!

MERCEDES, Camarines Norte, Philippines — Patay sa isang malakas na suntok ang isang 50-anyos na tiyuhin matapos na suntukin ito ng sariling pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Purok-2, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Sinubukan pang isugod ng kanilang barangay health worker at ambulansya sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Vince, binata, pero idineklarang dead-on-arrival.
Arestado naman ng mga rumespondeng pulis ang pamangkin ng biktima na si alyas “Hiro”, 26-anyos, may kinakasama; residente rin ng naturang lugar.
Sa ulat, alas-6:30 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay nakitang sinasaktan ng biktima ang kanyang anak-anakang babae.
Bunsod into, nagalit umano ang suspek dahilan para upakan nito ang tiyuhin at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha.
Dahil sa tindi ng suntok, walang malay na bumagsak sa sahig ang tiyuhin.
Dahil sa hindi na magkamalay, kung kaya nagpasaklolo na ang kanilang mga kaanak sa barangay health worker at isinugod ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital pero hindi na umabot nang buhay.
- Latest
























