^

Probinsiya

Magsasaka napikon sa biro ng kainuman, dinedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahilan umano sa hindi nagustuhang biro, pinagtataga hanggang sa mapatay at pinutulan pa ng kanang kamay ng isang magsasaka ang kainuman nito sa Brgy. Batong Dalig, Gumaca, Quezon nitong Miyerkules ng hapon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) IVA ang biktima na tinukoy lamang sa pangalang Florante, 54-anyos ay namatay noon din dahil sa tinamong malalalim na taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ang suspect na kinilala sa pangalang Manolito na tumakas bitbit ang itak na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Sa imbestigasyon, alas-2:30 ng hapon nitong Miyerkues habang ang biktima at ang suspect kasama ang tatlong iba pa kabilang ang isang dating kagawad ay nag-iinuman sa lugar.

Sa gitna ng masa­yang inuman ay nagbiro ang biktima na hindi naibigan ng suspect na biglang tumayo at umuwi ng bahay.

Ilang saglit pagkauwi sa kanilang tahanan ay bumalik ang suspect na may dalang itak at bigla na lamang pinagtataga ang biktima hanggang sa duguan itong humandusay at hindi pa nakuntento ay pinutulan pa ito ng kanang kamay.

QUEZON

GUMACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with