Higit P800 milyong shabu nadiskubre sa Bataan
MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P800 milyong halaga ng shabu ang nadiskubre ng mga tauhan Mariveles Municipal Police Station sa baybayin ng Mariveles, Bataan, kahapon.
Batay sa report na tinanggap ni Police Region 3 Director PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., isang concern citizen ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa anim na sako na umano’y iniwan sa baybayin ng Brgy. Sisiman, Mariveles, Bataan.
Agad na kumilos ang Bataan PPDEU, Bataan PIU, RID3 at Bataan PDEA, sa ilalim ni PCol. Marites A. Salvadora, Provincial Director ng Bataan PPO, at tinungo ang lugar malapit sa lighthouse.
Ang anim na mga sako ay naglalaman 118 pakete na tumitimbang ng 118 kilograms at nagkakahalaga ng P802 milyon.
Nagsasagawa na ng follow up investigation ang pulisya upang malaman kung paano at sino ang responsable sa mga illegal drugs.
- Latest

















