^

Probinsiya

Hostage taker ‘bugbog-sarado’ sa taumbayan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Hostage taker ‘bugbog-sarado’ sa taumbayan
Sa report kay PCol. Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan police, naganap ang insidente bandang ala-1:35 ng madaling araw sa Baliwag public market, Brgy. Poblacion.
Bulacan Police Provincial Office Facebook page

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Bugbog sarado sa taumbayan ang isang lalaking nang hostage matapos dambahin ng mga pulis sa palengke ng lungsod Baliwag nitong Agosto 13.

Sa report kay PCol. Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan police, naganap ang insidente bandang ala-1:35 ng madaling araw sa Baliwag public market, Brgy. Poblacion.

Batay sa report, nang makarating sa Baliwag police station ang impormasyong may nagaganap na hostage taking ay agad na rumesponde sa lugar.

Sa Facebook post na nag-viral tungkol sa nasabing insidente, kitang nakikipag-diyalogo ang mga pulis sa lalaking may naka-ambang kutsilyo at nagbabantang sasaksakin ang hawak-hawak na biktima.

Nanatiling kalmado naman ang biktima ng mga oras na iyon habang kinakalma niya at tinatapik ang balikat ng aburidong suspek.

Lingid sa kaalaman ng hostage taker na may isang pulis na nasa likod niya na biglang dumamba sa kanyang kamay na may hawak na kutsilyo.

Sinabayan na rin nang damba ng mga pulis na naroroon habang umunday na rin ng sunud-sunod na suntok ang lalaking biktima at ilang kalalakihang nasa lugar.

HOSTAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with