^

Probinsiya

Obrero natigok sa nililinis na balon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang obrero matapos na ma-suffocate sa nililinis niyang balon sa Sitio Pagatpat, Barangay Del Pilar sa bayang ito, ­kamakalawa ng umaga.

Ayon kay PCapt. Alex Vizarra, chief of police rito, ang biktimang si alyas “Alex”, 31-anyos, ay katatapos lamang mag­linis ng 7-metrong lalim na balon at umaakyat na gamit ang isang lubid nang nakaramdam siya ng panghihina at kakapusan ng hininga.

Mabilis na tinulungan ang biktima ng kanyang kapwa obrero at tinangkang hatakin siya pataas subalit dahil sa bigat nito ay hindi kinayang hilahin.

Sa tulong ng mga barangay officials ay naiahon ang biktima mula sa balon at dinala sa Rural Health Unit subalit idineklarang dead-on-arrival.

Ayon sa pulisya, walang chemical na nakaapekto sa biktima, ang kalaliman ng balon at kakapusan ng hangin sa ilalim nito ang naging­ sanhi upang siya ay ma-suffocate na dahilan ng kanyang pagkasawi.

ALEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with