^

Probinsiya

Hotel pinasok: Kahera hinoldap, ni-rape!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinasok ng dalawang armadong lalaki ang isang hotel inn at hinoldap ang babaeng cashier saka ginahasa, kahapon ng madaling araw sa Brgy. De Ocampo, Trece Martires City.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente. Dumating ang riding-in-tandem suspects sa Pampangueños Inn sa Purok 3, Brgy. De Ocampo ng nasabing lungsod at nagpanggap na mga customer.

Lumapit ang mga suspek sa nakatalagang kahera sa counter na si alyas “May”, 20-anyos, stay in sa nasabing hotel at nagtanong kunwari ng room.

Ilang saglit pa ay nagdeklara na ng hol-dap ang mga suspek sa kahera at nilimas ang pera ng kaha. Hindi pa nasiyahan, dinala nila ang biktima sa kusina ng hotel at dito halinhinang ginahasa.

Wala naman umanong nagawa ang isang roomboy na si alyas “Jay” na kasama ng biktima matapos na pagbantaang papatayin ng mga suspek kapag manlalaban.

Matapos na mailugso ang puri ng dalaga, mabilis na tumakas ang mga suspek na kapwa nakasuot ng helmet at jacket sakay ng isang motorsiklong Honda beat.

TRECE MARTIRES CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with