Bodega ng appliances nasunog sa Quezon
August 7, 2025 | 12:00am
GUMACA, Quezon, Philippines — Tinatayang aabot sa P10 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang masunog ang bodega ng isang appliance center sa Barangay Bagong Buhay sa bayang ito kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), walang naiulat na nasugatan sa insidente na nangyari dakong alas-5 ng umaga.
Ayon sa Gumaca BFP, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog at kung may posibleng kapabayaan o insidente ng faulty electrical wiring.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended

















