2 senior high utas sa ‘joyride’!
Motor nag-crash sa loob ng bahay
COTABATO CITY - Patay agad ang dalawang babaeng senior high school students habang sugatan ang isa nilang kaklase matapos umanong mag-joyride na nagsanhi upang bumulusok paibaba ang kanilang sinasakyang motorsiklo at tuluy-tuloy na sumalpok sa loob sa isang bahay sa gilid ng highway ng Barangay Balintawak sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong Biyernes.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jonalyn Oliva, 17-anyos at Teffanie Saipudin, 16-anyos; pawang estudyante ng Zamboanga del Sur National High School.
Nagtamo naman ng sugat ang isa pa nilang kaklase na si Stanley Abria, driver ng motorsiklo na patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa tinamong sugat sa kaniyang ulo. Base sa imbestigasyon ng Pagadian City Police, nag-leisure trip ang tatlong biktima at habang bumabagtas ang motorsiklo sa paibabang bahagi ng highway ay nagloko umano ang preno ng motorsiklo.
Bunsod nito, nabigo si Abria na kontrolin ang motorsiklo na tuluy-tuloyna sinuwag ang pintuan ng isang bahay ng isang Jona Saurnero na nasa tabi ng highway.
Ayon sa mga pulis, isa sa tinitingnan nilang sanhi ng aksidente ay ang masyadong mabilis na pagpapatakto ng driver ng motorsiklo.
Sa hiwalay na ulat ng Pagadian City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), dumiretso sa bukas na pinto ng bahay ang sinasakyang Honda Click 125 motorcycle ng tatlong dalagita at sa loob na ng bahay tuluyang nag-crash ito. Pauwi na umano ang mga biktima mula sa isang Buwan ng Wika program sa kanilang paaralan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng motor sanhi upang bumulusok sila at tuluy-tuloy na lumusot sa pinto ng bahay at mag-crash sa loob.
- Latest

















