^

Probinsiya

SUV nag-dive sa flyover: 2 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kapwa mga nasa kritikal na kondisyon at mga inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang sakay ng isang Toyota Veluz na nahulog sa Flyover kamakalawa sa Sta. Rosa flyover sa Brgy. Sta Rosa 2, Noveleta, dito sa lalawigan.

Kinilala ang mga biktima na sina Omar Magarang, 38-anyos, may asawa, driver at Naim Limbona, 28, kapwa ng Brgy. Cabuco, Trece Martirez City Cavite.

Sa ulat ng pulisya, sakay ang mga biktima ng Toyota Veluz na may plate no. DBH8822 at bumabagtas sa nasabing Hiway.

Napag-alaman na may kabilisan umano ang patakbo ng mga biktima habang bumabagtas sila sa nasabing flyover bunsod upang mawalan umano ng kontrol ang driver sa manibela at diretsong sumalpok sa steel pole bago tuluyang nalaglag sa flyover.

Wasak ang sasakyan ng mga biktima at naipit pa sila sa loob nito kung kaya inabot ng mahigit sa kalahating oras bago sila naialis at naitakbo sa pagamutan.

NOVELETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with