^

Probinsiya

Babae naputol binti, dedo sa ‘hit and run’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang babae matapos na pinaniniwalaang mabiktima ng “hit and run” ng hindi pa tukoy na sasakyan sa kahabaan ng national highway ng Brgy.Bigaa, Legazpi City, Albay kahapon ng madaling araw.

Natagpuang nakahandusay, putol ang kaliwang binti at patay na nang dumating ang mga rumespondeng pulis sa biktima na kinilala lamang na si Dominga, 40-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-12:45 ng madaling araw, nagulantang ang ilang residente nang tumambad sa kanila ang bangkay ng isang duguang babae na putol at nakahiwalay na ang binti sa tabi ng kalsada.

Bunsod nito, agad silang humingi ng responde sa nagrorondang police mobile patrol na mabilis na tumugon. Sinubukan pa nilang isugod ang biktima sa Legazpi City Hospital pero idineklarang patay.

Sa panayam kay Executive Master Sgt. Carlo Paña, posibleng nabundol ang biktima ng hindi pa matukoy na sasakyan dahilan para maputol ang kanyang binti na naipit sa matalas na steel fence ng tulay. Nakaladkad pa umano ang babae ng 10-metro mula sa lugar ng aksidente sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.

ALBAY

LEGAZPI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with