^

Probinsiya

Lalaki patay sa pagsagip sa tsinelas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lalaki patay sa pagsagip sa tsinelas!
Map of Ilocos Sur
Wikimedia

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng buhay ng isang 21-anyos na lalaki ang pagsagip o pagkuha sa kaniyang tsinelas na itinapon ng nagbiro nitong kasamahang obrero sa isang ilog sa gitna na rin ng malakas na agos ng tubig baha sa bayan ng Banayoyo, Ilocos Sur sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Crising nitong Sabado.

Idineklarang dead-on-arrival sa Candon City General Hospital ang biktimang kinilalang si Cean Ian Gadut.

Sa report ni P/Captain Medward Galay, hepe ng Banayoyo Municipal Police Station (MPS), nangyari ang insidente sa bayang ito nitong Sabado matapos namang magbiro ang isa sa mga kasamahan ng biktima na kinuha ang tsinelas nito saka itinapon sa ilog.

Agad namang nag-dive sa ilog ang biktima para makuha ang kaniyang tsinelas pero tinangay ito ng malakas na agos ng tubig baha hanggang sa malunod.

Ang katawan ng biktima ay narekober naman ng nagrespondeng search and rescue team na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay bigo na itong mailigtas.

Inireport naman ang insidente ng mga opisyal ng Barangay sa Municipal Disaster Risk Reducion and Management Office (MDRRMO) ang insidente.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito.

CANDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with