^

Probinsiya

Lolang fruit vendor, kinatay ng helper!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lolang fruit vendor, kinatay ng helper!
Ang biktima na itinago sa pangalang Lola Andeng ay idineklarang dead-on-arrival sa Calbayog District Hospital sanhi ng mga tinamong malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
STAR/ File

Laging nambubulyaw....

MANILA, Philippines — Dahil sa palagi umanong binubulyawan, pinagsasaksak hanggang mapatay ang isang 60-anyos na matandang babaeng fruit vendor ng kanyang naburyong na helper sa mismong public market ng Calbayog City, Samar kahapon ng umaga.

Ang biktima na itinago sa pangalang Lola Andeng ay idineklarang dead-on-arrival sa Calbayog District Hospital sanhi ng mga tinamong malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Arestado naman ng mga nag­respondeng operatiba ng pulisya ang 20-anyos na helper ng matanda na itinago sa pangalang Samuel.

Sa ulat ng Calbayog City Police, nangyari ang insidente sa mismong public market ng Calbayog City sa puwesto ng matanda.

Sa pahayag ng testigo, nakita niyang pinagsasaksak ng galit na galit na suspect ang matanda matapos itong ma­bulyawan dahilan tanghali ng gumising ay marami silang kustomer sa palengke.

Ang matanda ay duguan nang napalupasay sa insidente na nagmamakaawa para sa kaniyang buhay pero hindi ito nilubayan ng suspect sa pananaksak gamit ang isang bagong hasang kutsilyo.

Agad namang tumawag ng pulis ang testigo na isa ring tindera sa palengke at dito na naaresto ng mga pulis ang suspect na tinangka pang tumakas.

Sa presinto, inamin ng suspect ang krimen at sinabing nagdilim ang kaniyang isip dahil palagi umano siyang binubulyawan ng matanda.

Bagsak kalaboso naman ang nasabing helper na nahaharap sa kasong pagpatay.

VENDOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with