^

Probinsiya

5 drug den operator sa Maguindanao, arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
5 drug den operator sa Maguindanao, arestado
Kinumpirma kahapon ni Brig. Gen, Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na naka-detine na ang limang suspects na na-entrap ng mga operatiba ng Radjah Buayan Municipal Police Station at Maguindanao del Sur Provincial Police Office.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY, Philippines — Limang drug den operator na namimigay umano ng “protection money” sa dalawang mahina nang local terrorist groups ang nalambat ng mga pulis sa Barangay Pidsandawan, Radjah Buayan, ­Maguindanao del Sur nitong Sabado.

Kinumpirma kahapon ni Brig. Gen, Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na naka-detine na ang limang suspects na na-entrap ng mga operatiba ng Radjah Buayan Municipal Police Station at  Maguindanao del Sur Provincial Police Office.

Ayon sa mga local executives at traditional Moro leaders, ang limang hinihinalang shabu dealers na naaresto sa naturang entrapment operation, magkasabwat sa pamamalakad ng kanilang tagong drug den sa Barangay Pidsandawan, ay may malakas na koneksyon sa magkasanib na mga teroristang grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na ilan na lang ang nalalabing mga miyembro, ngunit banta pa rin sa seguridad ng Maguindanao del Sur.

Kilala ang Dawlah Islamiya at BIFF sa pagkanlong, kapalit ng pera ng mga drug dealers at mga suspects sa mga high-profile criminal cases na pinaghahanap ng mga alagad ng batas.

Ayon kay De Guzman, hindi na pumalag pa ang limang suspects nang arestuhin ng mga hindi unipormadong pulis na kanilang nabentahan ng P55,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation na magkatuwang na pinangunahan ng hepe ng Radjah Buayan police, si Captain Argie Eyena, at ni Col. Sultan Salman Sapal na Maguindanao del Sur provincial police director.

JAYSEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with