4 ‘karnaper’ natunton sa tulong ng CCTV at drone
MANILA, Philippines — Apat na pinaghihinalaang carnapper ang naaresto ng mga pulis sa isinagawang operasyon sa Calamba City, Laguna.
Ang insidente ng carnapping ay naganap noong July 2, 2025 ng gabi sa Maharlika Highway, Barangay San Pablo Nayon, Sto. Tomas City, Batangas kung saan apat na kalalakihan ang tumangay sa isang Mitsubishi L300.
Sa tulong ng CCTV at drone, natunton at naaresto ng mga tauhan ng Sto. Tomas police ang apat na suspek sa Rodriguez Subdivision, Brgy. Lawa, Calamba City, Laguna.
Bukod sa Mitsubishi L300, nabawi rin ang isang Hyundai Grace na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek bilang getaway vehicle.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sto. Tomas City Police Station ang mga suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.
Pinuri ni PCol. Geovanny Emerick Sibalo, acting provincial director ng Batangas PPO, ang mabilis na aksyon ng mga pulis sa Sto. Tomas, at ang epektibong paggamit ng makabagong teknolohiya na naging susi sa mabilis na pagdakip sa mga suspek at pagbawi ng ninakaw na sasakyan.
- Latest
















