^

Probinsiya

ROAD TF inilunsad sa Lucena City

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — ­Inilunsad na ang Road Order And Discipline Task Force (ROAD TF) sa lungsod ng Lucena bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa mas ligtas, disiplinado, at maayos na daloy ng trapiko dito.

Ayon kay PLt. Col. Dennis De Guzman, chief of police dito, ang ROAD TF ay isang multi-agency task force na binubuo ng Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), Highway Patrol Group (HPG), General Services Office (GSO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Traffic Management Division ng lokal na pamahalaan.

Layunin ng bagong programa na itaas ang kamalayan at disiplina ng publiko sa paggamit ng kalsada, labanan ang mga paglabag gaya ng illegal parking at iba pang sagabal sa daan, at palakasin ang kampanya para sa road safety para sa parehong motorista at pedestrian.

Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang aktibong pakikiisa ng mga residente sa pagpapatupad ng ROAD TF bilang hakbang tungo sa kaayusan at kaligtasan sa lansangan.

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with