^

Probinsiya

19-anyos dalaga tepok sa atake ng bubuyog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
19-anyos dalaga tepok sa atake ng bubuyog!
Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Davao de Oro, ang biktima na tinukoy lamang sa pangalang “Monica” ay pinupog ng kagat ng mga bubuyog hanggang sa himatayin ang dalaga.
Photos courtesy of Wildbiene + Partner

Ama at ina sugatan…

MANILA, Philippines — Patay ang 19-anyos na dalaga habang sugatan ang kaniyang ama at ina matapos silang atakihin ng tinatayang daang bubuyog habang naglilinis sa kanilang bukirin sa Brgy. Fatima, New Bataan, Davao de Oro kamakalawa. 

Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Davao de Oro, ang biktima na tinukoy lamang sa pangalang “Monica” ay pinupog ng kagat ng mga bubuyog hanggang sa himatayin ang dalaga.

Kasalukuyang namang nilalapatan ng lunas ang ama at ina nito sa pagamutan makarang putaktehin din sila ng kagat ng mga mabalasik na bubuyog.

Ayon sa nakaligtas na ama na si “Emmanuel”, kasalukuyan nilang ­nililinis ang kanilang bukirin nang magambala ang mga bubuyog na namamahay sa nasabing lugar. 

Ayon kay Emmanuel noong una ay inakala niyang siya lamang ang sinugod ng mga bubuyog pero maging ang kaniyang mag-ina pala matapos niyang marinig ang kanilang sigaw. 

Nagawa namang makakuha ng sanga ng kahoy na madahon ang nasabing mister na iwinasiwas nito para lubayan siya ng mga bubuyog habang sumigaw siya sa kaniyang mag-ina na lumublob sa sapa pero bago pa ito nagawa ng kaniyang anak ay hinimatay na.

Ang tirahan ng pamilya ay malayo sa Barangay Center at ­ilang oras pa bago sila ­nakarating sa lugar kung saan dinala sa pagamutan ang mga biktima. Gayunman, idineklara nang dead-on-arrival sa pagamutan si Monica.

Ang stings o tusok ng mga bubuyog ay hindi naman ikinokonsiderang mapanganib maliban na lamang kung ang isang tao ay may allergy sa venom. Sa maraming naitalang kaso, ito ay nagdudulot ng kirot at pamamaga sa loob ng ilang oras o araw pero kung may allergic reaction na tinatawag ding “anaphylaxis” ay delikado at maaaring ikamatay ng taong nakagat ng bubuyog.

BUBUYOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with