9 sa 10 Bicolano, literate na – survey
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tumaas na sa 88.3 porsyento o 9 sa bawat 10 Bicolano ang marunong nang magsulat, bumasa at magbilang kumpara sa ginawang survey noong nakaraang limang taon o 2019.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey noong Oktubre, 2024 hinggil sa functional literacy, education and mass media ng Philippine Statistics Authority Regional Office 5 sa pangunguna ni regional director Engr.Cynthia Perdiz.
Sa datos na inilabas ng PSA-Bicol, sa anim na lalawigan ng rehiyon ang may pinakamataas na literacy ay ang lalawigan ng Albay na nasa 91.3 percent; pumangalawa ang Catanduanes na may 90.2 percent; pangatlo ang Camarines Norte na 88 porsyento; Camarines Sur na may 87.7 percent; Sorsogon na nasa 86.7 percent; habang pinakamababa ay ang Masbate na nasa 86.4 percent.
- Latest

















