^

Probinsiya

159 katao tinamaan sa diarrhea outbreak sa Apayao

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Nasa 159 indibiduwal ang tinamaan ng diarrhea sa lalawigan ng Apayao dahil sa kotaminadong tubig sa Barangay Sacpil, bayan ng Conner.

Ayon sa Rural Health Unit (RHU) ng Conner, naitala ang 159 kaso ng diarrhea sa nasabing lugar nitong May 23, 2025. 

Lumalabas na karamihan ang edad na apektado ng diarrhea ay nasa pagitan ng 31-40-anyos, ayon sa mga health workers na nakapokus sa lugar.

Bunsod nito, ang Department of Health (DOH) Cordillera,  Apayao health department, provincial at barangay officials na nagpulong nitong Lunes ay agad nagsagawa ng mga inspeksyon sa pinagkukunan ng tubig at sa mga dinadaluyang tubo nito sa Barangay Sacpil.

Layunin ng imbestigasyon na matukoy ang dahilan ng diarrhea outbreak at malaman ang sanhi ng transmisyon para makapagrekomenda ng tamang interbensyon.

Ang Department of Social Welfare and Deve­lopment-Cordillera Field Office (DSWD FO CAR) ay nakapag-deliber na ng may 1,539 na 6-liter bottles ng inuming tubig mula sa regional warehouse sa Benguet para sa agarang distribusyon sa mga apektadong residente sa Barangay Sacpil.

Nagpadala na rin ang DSWD-CAR sa pamamagitan ng Social Welfare and Development (SWAD) Kalinga ng may 1,197 family food packs sa Barangay Sacpil.

DIARRHEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with