Lolo, arestado sa panghihipo sa 5-anyos
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang 55-anyos na step grandfather matapos umanong hawakan ang private part ng isang paslit habang nanonood ng telebisyon sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang suspek sa alyas “Rom” habang ang biktima ay itinago sa pangalang Yaris, 5, kapwa residente ng Brgy. Muzon South.
Sa report, naganap ang insidente bandang ala-1:00 ng tanghali nitong Mayo 24 sa nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon, habang nanunuod mag-isa ang biktima ay tinabihan ito ng suspek at hinipo-hipo umano ang private part nito.
Nang makita ng biktima ang kanyang ina ay isinumbong niya ang ginawa ng suspek kaya dali-dali silang humingi ng saklolo sa kanilang barangay.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng barangay sa lugar kaya nahuli ang suspek.
Nabatid na inilapit na ng mga awtoridad ang biktima sa City Social Welfare and Development Office para sa kaukulang tulong habang ang suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso habang nakapiit sa naturang istasyon.
- Latest























