^

Probinsiya

2-anyos tepok sa sunog, kapatid sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 2-anyos na batang babae habang sugatan ang 4-taong gulang nitong kapatid sa sunog na tumupok sa kanilang tahanan sa Brgy, Mandalagan, Bacolod City nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Skyline Cañete, 2-taong gulang na nasawi sa insidente, at Angela Cañete, 4-anyos na patuloy na nilalapatan ng lunas sa tinamong mga paso at pagkalapnos ng kanyang balat.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Bacolod City, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, iniwang mag-isa sa bahay ang dalawang bata ng kanilang 14-anyos na stepbrother at isa pang dalagitang nakatatanda nilang kapatid.

Nagkataon namang brownout sa lugar kaya nagsindi sila ng kandila bago iniwan ang dalawang paslit, upang manood umano ng mga palabas sa piyestahan sa kanilang lugar.

Ang ina ng mga bata ay nagtatrabaho naman bilang caregiver sa Barangay Montevista ng lungsod habang ang ama ay nasa Iloilo at nagtatrabaho sa sakahan.

Ayon sa arson investigator, ang nasunog na tahanan na tinitirhan ng pamilya Cañete ay pagmamay-ari ni Stela Sayon at dalawang beses na rin itong nasunog base sa kanilang rekord.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang halaga ng pinsala sa sunog.

SKYLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with